WebQuest

Maikling Kuwento (Paalam sa Pagkabata salin ni Nazareno D. Bas)

Introduction

20161201074529TeLan.png

              Mayroon ka bang mga karanasang hindi mo malilimutan noong ikaw ay bata pa? Alin sa mga ito ang paborito mong balik-balikan? Sino ba sa nanay at tatay mo ang mas mahigpit? Anong paghihigpit ang kanyang ginagawa? May mga pagkakataong mas mahigpit ang tatay, sapagkat siya ang haligi ng tahanan at iniisip din niya ang mga bagay na makabubuti sa kanyang mga anak . Ito ang paksa ng kuwentong iyong babasahin, maiibigan mo ito sapagkat masasabi mong may mga bagay na sadyang napakahirap maunawaan kapag ikaw ay bata pa lamang.

              Ang iyong kaalaman sa pagsusuring panlinggwistika, pangnilalaman at pampanitikan ay lalo pang mahahasa sa araling ito. Ang mga dati mo ng kaalaman ay magagamit at maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang iyong karanasang pansarili at pang-iba ay maaari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan. Tutulungan ka ng aking mga inihandang gawain upang maisakatuparan ang pag-unawa mo sa aralin na ito. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya mo �to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

The Public URL for this WebQuest:
http://zunal.com/webquest.php?w=338860
WebQuest Hits: 15,122
Save WebQuest as PDF

Ready to go?

Select "Logout" below if you are ready
to end your current session.