WebQuest
Maikling Kuwento (Paalam sa Pagkabata salin ni Nazareno D. Bas)
Task

Unang Gawain:
Panuto: Isulat ang mga kapuna-punang pagbabago sa saloobin at damdamin bilang patunay ng pamamaalam sa pagkabata. Piliin ang titik ng wastong sagot.
Pagpipiliang sagot:
a. Anuman ang nais nasasabi na ito.
b.Lumalawak ang pag-iisip sa kaganapan sa paligid.
c.Simula na ng pagkakaroon ng kamalayan sa takbo ng buhay.
d.Pag-iyak ang tanging pagpapahayag ng nais.
e. Inaasam-asam na pag-aaral sa mababang paaralan
Ikalawang Gawain:
Panuto: Iguhit mo sa isang papel ang mga simbolismong ginamit sa akda ayon sa sumusunod na “clue”. At tukuyin ang nais ipahiwatig ng mga ito sa tekstong binasa. Pagkatapos masagutan ay ibahagi ito sa klase.
1. Nakasabit ito sa dingding kung saan niya naalalang nakita na ang lalaki sa bahay-pawid.
Pahiwatig:
____________________________________________________________________________
2. Ito ang bagay na laging pinagmamasdan ng ina ni Celso.
Pahiwatig:
____________________________________________________________________________
3.Pinagbawalan si Celso ng kanyang ama na lapitan ito.
Pahiwatig:
____________________________________________________________________________
IkatlongGawain:
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap mula sa tekstong binasa, gamitin ang banghay ng maikling kwento upang matukoy ang mga ito. Gamiting gabay sa iyong pagsagot ang pagpipilian sa ibaba. (Pangkatang Gawain)
a.Palaging nag-iisip si nanay at nakatanaw sa lambat na nakasampay.
b.Tinapon na ito ni nanay, ikinagalit ni tatay.
c.Nilabag ko ang kautusan ni tatay na huwag lumapit sa bahay-pawid.
d. Alam kong galit si tatay kaya kumulo ang dugo ko, pinagtataga ko ang lambat, bugbog sarado ako kay tatay matapos kong masira ang lambat.
e. May itinatagong misteryo ang lambat.
f. Nawalan ako ng ulirat at sa pagmulat ng aking mata si tatay ang aking nakita at yakap-yakap ako.
g. Umiiyak na naman si nanay, pilit na pinipigilan ang kanyang mga hikbi.
h. Batid ko na alam ng tatay na wala akong kasalanan na siyang namutawi sa bibig ni nanay habang ako’y sinasaktan ni tatay.
The Public URL for this WebQuest:
http://zunal.com/webquest.php?w=338860
WebQuest Hits: 14,726
Save WebQuest as PDF