WebQuest

Uri ng Pagpapahayag: Paglalarawan

Teacher Page

20170406104634avaVy.jpg

     Ang webquest na ito ay naglalayong bigyang-kaalaman ang mga mag-aaral hinggil sa isa mga uri ng pagpapahayag, ang paglalarawan. Sa tulong nito ay mauunawaan nila ang Kahulugan ng Paglalarawan; Uri ng Paglalarawan; Kahingian sa Paglalarawan; Katangian ng Mabisang Paglalarawan; Elemento at Tatlong Paraan ng Paglalarawan. Ito ay maaaring isakatuparan sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw kung nagnanais na higit na mabigyang diin ang bawat detalye at impormasyon na nakapaloob dito. Para sa mga guro na nais itong gamitin sa pagtuturo, siguraduhin na tatatak sa isipan ng mga bata ang mga mahahalagang impormasyon upang makamit ang layunin ng webquest na ito. Karagdagan pa, makakabuti rin na hindi mawala ang paggabay ng guro sa mga mag-aaral habang tinutuklas ng mag-isa ang tungkol sa paglalarawan bilang isa sa mga uri ng pagpapahayag.

Standards

Ang pamantayan ng webquest na ito ay naaayon sa istandard sa Pagtuturo ng Filipino na batay sa Departamento ng Edukasyon kabilang na ang:

1.Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling mauunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng mensahe.

2.Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng iba�t ibang disiplina at teknolohiya upang magkaroon ng akademikong pag-unawa.

Credits

Aking ipinaaabot ang walang kapantay na pasasalamat sa mga may-akda ng mga website(s) na ginamit ko pagbuo ng webquest na ito.

The Public URL for this WebQuest:
http://zunal.com/webquest.php?w=349548
WebQuest Hits: 1,105
Save WebQuest as PDF

Ready to go?

Select "Logout" below if you are ready
to end your current session.