WebQuest

Uri ng Pagpapahayag: Paglalarawan

Introduction

20170406100432uJuXe.jpg

     Handa ka na bang pasukin ang mundo ng pagpapahayag? Si Lara Juan, o Lara sa kanyang simpleng pagkakakilanlan ay isang mag-aaral na kasalukuyang dumaranas ng krisis sa pag-aaral. Nais niyang makakalap ng impormasyon hinggil sa paglalarawan at matutunan ang mga ito subalit labis siyang nahihirapan. Isang pagsusulit ang kanyang kakaharapin kaya ganoon na lamang ang kanyang pagpupursige na mabatid ang mga bagay na may kaugnayan sa paglalarawan. At ikaw, kasama si Lara Juan ay naatasang mapagtagumpayan ang webquest na ito.


     Kapag naririnig mo ang salitang paglalarawan? Ano ang pumapasok sa isip mo? Ito ba ay nakakatulong upang lubusan mong maipahayag ang iyong damdamin? Paano mo inilalarawan ang bagay na iyong nakikita, nahahawakan o nararamdaman?

 
     Ang paglalarawan ay isa sa mga uri ng pagpapahayag. Sa tulong nito ay nagagawa nating patingkarin at bigyang-buhay ang isang bagay, kaisipan at damdamin upang makabuo ng higit na mabisang kaisipan buhat sa inilararawan. Mahalaga ang pag-aaral nito upang higit na maging mabisa ang paraan ng ating pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa sa anumang pagkakataon o sitwasyon na nangangailangan ng mabisang paglalarawan. Ngayon, sa tulong ng mga gawain na nakapaloob sa webquest na ito ay inyong matutuklasan ang kahulugan ng paglalarawan, iba't ibang uri nito at ang gamit nito bilang uri ng pagpapahayag. Karagdagan pa, bahagi rin ng naturang webquest ang tungkol sa elemento at mga kahingian ng mabisang paglalarawan.

The Public URL for this WebQuest:
http://zunal.com/webquest.php?w=349548
WebQuest Hits: 1,104
Save WebQuest as PDF

Ready to go?

Select "Logout" below if you are ready
to end your current session.