WebQuest

Uri ng Pagpapahayag: Paglalarawan

Evaluation

20170405080506yNyza.png

Para sa ebalwasyon, narito ang isang rubric na siyang magsisilbing basehan ng iyong natamong kaalaman at kasanayan. Ang bawat isa ay bibigyan ng puntos batay sa Presentasyon at Organisayon ng Ideya o kung naging lohikal ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap upang hindi magdulot ng kalituhan; Kaangkupan ng mga salita na tumutukoy kung gaano naging mapili ang bawat mag-aaral sa mga salitang gagamitin sa paglalarawan; Katumpakan o kung tama ba ang pagkakauri nila sa bawat pangungusap sang-ayon kung ito ba ay karaniwan o masining na paglalarawan at ang Kabuuan na susukat sa kaalamang natamo ng bawat mag-aaral hinggil sa paglalarawan at kung nagawa pa itong pahalagahan at isabuhay.

Rubric

# Walang Kahusayan (1) Di Gaanong Mahusay (2) Mahusay (3) Napakahusay (4) Score
PRESENTASYON AT ORGANISASYON NG MGA IDEYA Hindi maganda ang pagkakapresenta ng mga ideya. Magulo ang pagkakaayos ng mga pangungusap. Maganda ang pagkakapresenta ng mga ideya subalit magulo ang pagkakaayos ng mga pangungusap. Maganda at maayos ang pagkakapresenta ng mga ideya gayundin ang organisasyon ng pangungusap. Maganda, maayos at lubhang nakakaengganyo ang pagkakapresenta ng mga ideya maging ang organisasyon ng pangungusap. 1-4
KATUMPAKAN Hindi natukoy at nauri sa mga itinalang pangungusap kung alin ang masining at karaniwang paglalarawan. May ilang mga pangungusap na natukoyat nauri nang angkop hinggil sa uri ng paglalarawan na ginamit. Napag-uri-uri at natukoy nang may katumpakan ang mga pangungusap kung ito ay nasa anyong masining o karaniwan. Subalit may ilang kamalian pa rin ang kapansin-pansin. Napaguri-uri at natukoy nang may katumpakan lahat ng pangungusap ayon sa gamit nito bilang masining o karaniwang paglalarawan. 1-4
KAANGKUPAN NG MGA SALITA Hindi angkop ang mga ginamit na salita upang maging mabisa itong paglalarawan. Hindi man lamang ito nakakatawag ng interes ng mambabasa. Lubhang kakaunti ang mga salita na angkop na nagamit upang maging mabisa ang paglalarawan. Nakakatawag itong pansin ng mambabasa subalit hindi pa gaaanong epektibo. May mga pangungusap na kinapapalooban ng mga salita na angkop ang gamit subalit may ilan pa rin na hindi. Nakakatawag ng pansin ng mambabasa ang ilang piling salita. Lahat ng ginamit na salita ay naging angkop upang maging mabisa ang paglalarawan. Nakakaengganyo at kawili-wili ito para sa mambabasa. 1-4
KABUUAN Hindi naisaalang-alang ang napag-aralan hinggil sa paglalarawan lalo't higit ang kahingian sa mabisang paglalarawan. Bahagyang naisaalang-alang ang napag-aralan hinggil sa paglalarawan lalo't higit ang kahingian sa mabisang paglalarawan. Naisaalang-alang ang napag-aralan hinggil sa paglalarawan subalit hindi gaano ang kahingian sa mabisang paglalarawan. Naisaalang-alang ang napag-aralan hinggil sa paglalarawan lalo't higit ang kahingian sa mabisang paglalarawan kung kaya naging lubhang epektibo ang isinagawang paglalarawan. 1-4

Total Score: 16 puntos

The Public URL for this WebQuest:
http://zunal.com/webquest.php?w=349548
WebQuest Hits: 1,106
Save WebQuest as PDF

Ready to go?

Select "Logout" below if you are ready
to end your current session.