WebQuest

Katubigan sa Bayan ni Juan

Panimula

20170828110737VeGem.jpg

Tulong! Tulong! Ako si Moana at mayroon akong napakalaking problema. Unti-unti ng nasisira ang aming lugar. Namatay ang aming mga pananim at patay na din ang mga bunga ng aming mga punongkahoy. Kung magpapatuloy pa ito, malamang wala na kaming makakain. Kailangan kong maibalik ang puso ni Tefiti para bumalik sa normal ang aming pamumuhay. Ngunit, alam kong hindi iyon ganoon kadali, kailangan kong hanapin si Maui at kumbinsihin siyang ibalik ang ninakaw niyang puso ni Tefiti. Kaya lang hindi ko makakayang kumbinsihin si Maui kung ako lang mag-isa. Kailangan ko ang inyong tulong at sabay-sabay nating iligtas ang aming lugar—ang Motonui.
May nakapagsabi sa akin na si Maui ay nagtatago sa Pacific Ocean. Kailangan natin siyang puntahan. Handa na ba kayo?

Moana: Maui! Ako si Moana ng Motonui,kailangan mong sumakay sa aking bangka at isauli ang puso ni Tefiti.


Maui: maui:Bakit ko isasauli?


Moana: Kailangan mong isauli ang puso ni Tefiti upang bumalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao.


Maui: Hindi iyon ganoon kadali Moana! Nawasak at nagkahiwa-hiwalay ang mga parte ng puso ni Tefiti. Kailangan natin iyon hanapin at buuin upang maisauli ito.


Moana: Kukunin at buuin natin ang bawat parte ng puso ni Tefiti galing sa mga iba't-ibang anyon tubig sa Pilipinas.


The Public URL for this WebQuest:
http://zunal.com/webquest.php?w=359603
WebQuest Hits: 1,336
Save WebQuest as PDF

Ready to go?

Select "Logout" below if you are ready
to end your current session.