WebQuest

Katubigan sa Bayan ni Juan

Wakas

20170829025321zusuD.jpg

Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi kinakailangan na hindi gumagalaw o nakapaloob ang isang anyong tubig; ang mga ilog, sapa, kanal, agusan, bambang at ibang katangiang pang-heograpiya kung saan dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar hanggang sa isa pang lugar ay tinturing din na anyong tubig

Karagatan - ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indiyano, Karagatang Artiko, at ang Katimugang Karagatan.)

Dagat - malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, at Dagat Mindanao.)


Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.


Look - isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)


Golpo - isang malawak na look.


Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.


Bukal - anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.


Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging kapuluan nito.


Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa


Sapa- isang ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos na tubig.


Salamat sa inyong tulong! Naibalik ang puso ni Tefiti at bumalik sa normal ang aming pamumuhay. Muling nabuhay ang aming mga pananim. Ngunit, mayroong habilin si Maui na kailangan ninyong gawin. Kumuha kayo ng litrato ng anyong tubig na makikita sa inyong lugar, ilarawan ninyo ito sa 3-5 pangungusap, at i-upload sa inyong facebook account.

The Public URL for this WebQuest:
http://zunal.com/webquest.php?w=359603
WebQuest Hits: 1,332
Save WebQuest as PDF

Ready to go?

Select "Logout" below if you are ready
to end your current session.