WebQuest

Paglakas ng Europe

Mga Salik sa Paglakas ng Europe

20200205093427paseB.png


ARALIN 1: PAGLAKAS NG EUROPE
Nagmumula sa Europe ang pinakamayayamang mga bansa sa daigdig. Malaki ang bahaging ginampanan nila upang mapanatili ang katayuan ng Europe bilang isa sa pinakamauunlad na kontinente sa daigdig. Kailan nga ba nagsimula ang paglakas ng mga mangangalakal na malaki ang naging bahagi sa paglakas ng Europe sa bahaging ito ng kasaysayan.

Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula sa pag-sbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig.

Aalamin mo rin kung paano lumakas ang Europe. Ano-no ang dahilan at epekto ng paglawak ng kapangyarihan nito? Paano nakaapekto ang pagusbong ng makabagong daigdig sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensiya, pulitika at ekonomiya tungo sa pagbuo ng modernong pandaigdigang kamalayan? Handa ka na bang sagutin ang mga tanong na ito? Kung gayon, simulan ang pagtuklas sa mga pangyayaring ito.





The Public URL for this WebQuest:
http://zunal.com/webquest.php?w=426752
WebQuest Hits: 142
Save WebQuest as PDF

Ready to go?

Select "Logout" below if you are ready
to end your current session.