WebQuest
Konsepto ng Demand
Task
GAWAIN 1: Pagyamanin, Bokabularyo
Panuto: Alamin at ipaliwanag ang mga sumusunod na salita
a. Demand
b. Batas ng Demand
c. Demand Schedule
d. Demand Curve
e. Demand Function
___________
GAWAIN 2: I-KTK Mo! (I-Kompyut, Tala, Kurba)
Panuto: Ipagpalagay na katatapos lamang ng inyong klase sa Eduasyong Pisikal. Nagkataong may tinda sa kantina na nakaboteng softdrinks. Ilang bote ng softdrinkd ang handa at kaya mong bilhin sa presyong Php10, Php15, Php20 hanggang Php25 kada baso? Itala ito sa kolum ng Qd. Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat presyo upang mabuo ang demand schedule.
Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 50 - 5P. Pagkatapos nito ay ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve.
___________
GAWAIN 3: Tukuyin Mo!
Panuto: Punan ang hitch organizer sa ibaba at sagutan ang mga pamprosesong tanong.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
I
_______________I_______________
I I
___1.?_____________________________2.?___
I I I I I
3.? 4.? 5.? 6.? 7.?
Pamprosesong Tanong:
1. Ano–ano ang salik na nakakaimpluwensiya sa demand?
2. Alin sa mga salik ang makapagdudulot ng paggalaw sa demand curve? Sa paglipat ng demand curve? Paano naiiba ang salik na presyo sa ibang salik?
3. Ano ang katangian na dapat taglayin ng isang mamimili sa pagtugon sa pagbabago sa mga salik ng demand?
Attachments
Demand Aralin Panlipunan (Ekonomiks) Grade 10
The Public URL for this WebQuest:
http://zunal.com/webquest.php?w=352457
WebQuest Hits: 1,425
Save WebQuest as PDF